Puting Uwak - PAPEL NG KONSEHAL SA KONTRATANG LAWAY
PAPEL NG KONSEHAL SA KONTRATANG LAWAY
Isang konsehal, Nago Aguilar ng barangay P. sa Cabiao, N. Ecija ang naging "tulay" pahantong sa kontratang laway.
Sabi ito ng latest "victim" ng "kontratistang Ruel Gamboa" na isinumbong dito sa balagtas kamakailan.
Sabi pa ng victim (ayaw ipabanggit ang ngalan): pinsan ng misis niya si konse Nago. Kahit nakatango na silang mag-asawa sa mas kilalang kontratista, kay Gamboa nila ibinigay ang trabahong ayos-bahay. Rekomendado ito ng konse.
Nang ibitin ng suspek ang trabaho at di na sumipot pagkakuha ng perang pambili ng gamit, may nagsabing marami nang niloko si RG.
"Konse, tulungan mo sana akong bawiin yung pera," panawagan ng victim kay Aguilar.
Ibig daw niyang isiping pati si Nago ay "nagoyo" ng suspek. Pero sanggang dikit umano ang dalawa.
May Nago, este, Agno River na di laway ang umaagos; ewan kung may tulay roong madadapuan ng puting uwak, sabi ng balagtas sa victim.
Most corrupt sa Asia at 8th most corrupt sa buong mundo ang Pilipinas, ayon sa Transparency International at World Bank na nagranggo sa mga bansa.
Nagunita ng Balagtas ang mga makata ng ibang bansa na kabulukan ng lipunan ang naging "inspirasyon" sa pagsulat.
Humalaw ang Balagtas sa isang piyesa at pinamagatang ISANG BANSANG NABUBULOK. Angkop marahil sa RP ang sumusunod na estropa:
Tahimik na gubat ang pinupuno ng buwan ng mga larawan ng mga patay na bayani.
O lilik na buwan! Sa batuhang nakapaligid yumayakap ang pag-ibig: pangitain ng panahong napabantog.
Asul na liwanag: patungo sa siyudad ng lahing nabubulok, iginagayak ang madilim na kinabukasan ng kanilang mga apo. O buwan, balot ka ng anino-- nagbubuntong-hininga sa basyong kristal ng lawa sa kabundukan.
May philosopher po na minsang nagwika, "Ang pagkatao mo ang iyong tadhana." Angkop sa sinumang nilumpong mistula, ng basyong batayan, ang malay at haka. Mababanggit dito'y mga pamahiing kung dinidinig man hindi nililining, basta nakagisnan takot na suriin kung sakto o saltod lagi sa gawain. Isang halimbawa ang trahe de boda: masamang isukat umano ng nobya; papaano naman kung kulang o sobra ang yari? A, iya'y mas masamang suma. Huwag pong isiping kawalan ng galang ang tila pagdedma sa matandang asal. Kung may pangyayaring nagkataon lamang, tama bang tanggapin kahit habambuhay? Tradisyon ang aking tawag sa tuntuning nakapagsusulong ng wastong layunin, isang salalayang laging malargahin: tila po di saklaw iyang pamahiin.
Bersong Barbero - GANITO KALAPAD ANG PAPEL NG ERMAT
GANITO KALAPAD ANG PAPEL NG ERMAT
Tingnan natin siyang pinagbubuhatan ng itinatanging liwanag ng buhay: ina siyang laging inilalarawang may kaibang sinding ilaw ng tahanan. Sa buhay-pamilya napakahalaga ang tanglaw na mula sa ulirang ina; anumang sandaling kailangan siya, hindi magkakait sa anak na sinta. Wala nang hihigit sa pamamatnubay ng ina, sapagkat sa kanyang kandungan, dibdib, labi't bisig unang namalayan ng sanggol ang tunog at anyo at kulay. Paano na kaya ang ating daigdig kung wala ang isang ilaw na marikit? Ang gabi't araw man ay mamumusikit sa dilim at lungkot, hirap at hinagpis. Pagmasdan ang ina at ang mamamasdan ay mga dekada ng kanyang tag-araw; gumaganap siyang walang pagkapagal bilang tanglaw natin hanggang magtag-ulan.
Obra Muwestra - ANG MAKATA SA DAIGDIG NG PERYODISMO
ANG MAKATA SA DAIGDIG NG PERYODISMO
Mabuting maging buwena manong karanasan ng makata ang pagsuong at pagsalat sa pook at pangyayaring "balitang-balita", na plano niyang gamiting materyal ng tula.
Mabuti, sapagkat titiyakin niyon ang pakikipagkilala niya sa kaligiran; higit na titingkad ang konteksto ng talinghaga.
Kung peryodista siyang nakatalaga sa desk kinailangang iba ang mainitan sa "usaping nagliliyab", titimbangin niya marahil ang halimbawang isang kamakatang "diyarista" rin.
Itinanim nito sa sariling isip ang matulaing abiso ni Francisco 'Balagtas' Baltazar: "ang balita'y bihirang magtapat, magkatotoo man marami nang dagdag".
Panahong 'kopong-kopong' nang sulatin ni Balagtas ang Florante at Laura na pinaghanguan ng abiso, pero mailalarga papunta sa konteksto ng tulang pangkasalukuyan.
Tulad ng alinmang larangan, may katangiang panlipunan ang peryodismo; ito pa nga ang dapat manguna sa pagsusulong ng diyalektika ng komunilasyon.
Nasa ubod ng pag-iral ng lahat ng gawain at palagay ang pangangailangangsikapin ang paglalantad ng buong katotohanan.
"Nakatali" sa desk, kumalap ang naturang kamakata ng dagdag na impormasyon, nagsuri, nagpakahulugan at pinanday sa sariling imahinasyon ang materyal.
Ang talinghaga sa pagiging peryodista ay nalilikha sa pagkabila ng makata sa balitang nasa anyo ng ulat.
Kung sadyang tama na pangingibabaw ng katotohanan ang naghuhudyat ng paglaya ng tao at lipunan, tama ring namamanginoon ang katotohanang iyan.
Dahil may mga bulaan at hangal: pinupulot nila ang mga tapyas at piraso ng pabago-bagong realidad, at itinatabon sa mga indibidwal at institusyong tumataliba sa katinuan at karangalan.
"Dagdag na balita" ang tula bilang tagapagbunsod ng buong katotohanan.
Pintig ng kahulugan ng salita ang pantig (syllable). Nakabatay sa nabuong salita ang pulso ng ekspresyon, ng pahayag, na anumangkomunikasyong pangwika.
Pantig, kung gayon, ang nagsisilang ng salitang pinakinggan, binasa, at pinagmoldehan ng pagyaman at pagbabago ng wika.
Karanasan ang batayan naman ng tao sa paglikha o pag-imbento niya ng salita.
Anyo at tunog at kulay at numero ang patuloy na umaayuda sa pintig ng kahulugan.
At sa kombinasyong iyan madalas din na pantig na ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan o dulo ng salitang-ugat (rootword) nailalarga ang higit pang kabatiran sa talastasan.
Mga senyal ng kabuwayan (infirmity) ng katawan at isip ang mas batayan ng pagtanda. Ito ang mapanudyong pasubali ni Mark Twain sa old age na ibinabatay lang sa mga taon.
Binigyan niya ako ng idea para ilahad ang pananaw ko sa paglipas ng panahon.
Pakitingnan sa naritong sinulat kong tularaw kung may kaugnayan ito sa pasubaling Twain:
Ikaw, kahapon ko, ang napayayakap bilang tagapawi ng pagkabagabag. Mutya ka ngang tunay na walang katulad kung dulutan ako ng sigla at alab. Huwag ipangamba ang iyong pagkupas kahit itangi ko ang ngayon at bukas.
Obra Muwestra - 'THE SKELETON YOUR PAINS TURN INTO A MONSTER'
'THE SKELETON YOUR PAINS TURN INTO A MONSTER'
Ayon kay guro- kritikong Soledad S. Reyes, isang malinaw na halimbawa ng puwersa sa poetry ni LAMBERTO E. ANTONIO ang "Gabi ng Isang Piyon".
Sa tulang ito ni LEA, "itinapat ng persona ang kalagayan ng piyon sa pangkalahatang buhay ng karaniwang trabahador--ang mahabang oras ng pagbubuwis ng dugo, ang mga kasangkapan sa paggawa, ang kawalan ng pag-asa, ang sakit at dusa sa katawan at kaluluwa, ang kawalan ng katarungan".
Mula sa aklat ng tulang "HAGKIS NG TALAHIB" (LASH OF WILD GRASS) ni Antonio ang nasabing piyesa, na isinalin sa English ng National Artist na si Bienvenido Lumbera, at ilang ulit nakasama sa mga antolohiya.
Ipinamagat ni Lumbera ang "Night of A Construction Worker" sa selection na ganito ang teksto:
Unable to sleep. Yes, hands have let go of shovel, Hammer, pipe, wire and other tools, But dismissal at five had failed to signal Gravel, cement and filling earth To let go of your breath. When the lightbulb flickers out, There's only the dark to ask to nurse the flaring up And the throbbing of the littlest muscle, blister, bruise and cut On arm and finger, and the stab at the heart and brain, As you lie on cast-off plywood board, wood shaving Or empty cement bags in the solitary corner Of the building a sketch as yet on drafting paper. Unable to sleep. One whose fatigue has seeped to the very bones Needs a visit from drowsiness, but before your gaze Cement mixer keeps churning without tiring it seems-- More blood and sweat to mix with sand and cement, Flesh you will slap Onto ribs of iron: the skeleton your pains Turn second by second into a monster, In return for wage that barely staves off hunger, For dreaming up more construction jobs to come, For prayers made musty by sweat and magic spell. Moments like these when neon lights shred the dark, When labor contractor and greedy right-hand man have gone home, Dark shapes crouch and stick accusing fingers in the mind: Sunken cheeks of the sickly newborn Or wife whose eyes blur At the unappealing meal of congee and grains of salt... And, too, cold night spread by the late hour A prescribed balm on bare torso That resists convincing it's turning into skin and bones. How can you fall asleep When each time you stretch out on your back it seems the stars Are slowly swallowed up by the towering roof above? Only the dark in the corner to ply with queries: Why gravel, filling earth and sand Refuse to let go, weighing on your breath-- Each time the thought looms in your mind you're part Of the scaffolding you yourself one of these days, will take apart.