balagtas.org

balagtas.org

Sa Lover Na Malikot

Walang mas mapanganib kaysa nakasulat na alaala ng pag-ibig.
banko

Talambahay

Walang kasinsarap ang tulog ng misis na nagsasalita sa pananaginip. Nagising ang mister, dumagok sa unan dahil ang narinig ay ibang pangalan.
banko

Sigalot sa RH

Na masigalot ang isyu sa reproductive health dahil lang sa kontrahan ng science at relihiyon ay huwag isipin ng sinumang nag-menopause.
banko

Pasasakop Din Pala

Tutol sa buhay na pinaghaharian ng poot, payag tayo na alipinin ng pag-ibig.
banko

Pagsapit ng Kaarawan

Maligayang pagtanda ang bati ng buhay sa sinumang may pagkakataon para muling pumatay ng 8,760 oras.
banko

Bersong Barbero - DISKURSO SA USO

DISKURSO SA USO

Pakaisipin nga ang salitang "uso"
at ang nakikitang mga pagbabago:
ayos ng paligid, tahanan at tao
na kung kilatisin ay umaasenso.

Nangyayari ito at dapat asahang
kasama talaga sa takbo ng buhay;
ang hindi humirit para umagapay,
mahaba ang tulog tiyak sa kangkungan.

Malimit mangyaring agad dinededma
ang usong sa tingin ay wala nang kwenta,
imbes na ingatan, ibinabasura
ang naturang api kinawawang moda.

Kulang ng pag-arok sa katotohanang
may cycle o ikot ang usong mabuhay;
anuman ang moda sa kasalukuyan,
may antigong padron na pinanggalingan.
bersongbarberodiskursosauso

Bersong Barbero - DISKURSO SA USO (2)

DISKURSO SA USO (2)

May napahahatak sa trend o sa uso
na di nagsusuri ng puno at dulo,
tipong gaya-gaya na over masyado,
patoks na patoks daw ang pagkamoderno.

Daming naghihikaw na lalaking bagets,
sapagkat nauso ano'ng namamasid?
Hikaw-hikaw nila ay ikinakabit
pati na sa ilong at tabi ng bibig.

Ang pagbabago ba'y senyal ng pag-unlad?
Sagot eh depende sa uri at antas.
Siyang nasa kubo simputi ng tagak,
pagdapo sa mansion biglang naging uwak.

Sumuso sa uso, labis ang lunggati,
nabundat sa rangya, naglibag ang budhi;
super materyoso, may bayad ang ngiti
kaya amo't amoy ay laging salapi.
bersongbarberodiskursosauso

Portada - PANTAY-SALAKAY

Susubukan dito na mapagsalubong at mapagdugtong ang mga palagay ng indibidwal at publiko. Mabisang gamit ang panulat. Sa bagay na ito, ang balagtas ay bantay talakay sa kultura, na tula ang isang tagasagisag. Bale pantay salakay, halimbawa'y sa mall ng masamang tinapay at teritoryo ng tarpulinang pambalot ng tinapa.
portada

Bersong Barbero - DISKURSO SA USO (3)

DISKURSO SA USO (3)

Sinasabing noon, humigit-kumulang,
ang Pinoy politics ay para sa bayan;
may malilingon daw na yugtong mainam
dahil leaders noo'y di lider-lideran.

Mula nang mauso ang pangungurakot
ay namanhid tayo, mistulang tangegot;
kapalit ng boto'y bigas na maumok,
sanlatang sardinas, noodles na sansupot.

Ang mga halalan kuno ay panatag
kahit may bagito't beteranong hudas;
datung, boga at goons ang pinalalakad
upang ang dayaan ay mapalaganap.

Uso kasi, kaya tayong bumoboto,
patay-mali na lang, nagpapaabuso;
pagdampot ng bato nakatawa tayo
kung ipukpok ito sa sariling ulo.
bersongbarberodiskursosauso

Bersong Barbero - DISKURSO SA USO (4)

DISKURSO SA USO (4)

Bopol daw ang kontra sa katiwaliang
madaling itatwa o kaya'y pagtakpan,
bulok na sistema ay dedmahin na lang,
anang dalubhasang sumikwat, manlamang.

Ah, meron ngang moda, wala namang modo;
ang sunod sa uso ay pakikituso,
may nakikiuod na mas ambisyoso
at nagiging ahas sa pandodorobo.

Ilan ba ang Pinoy na Islaw Palitaw
lulubog-lilitaw sa taing-kalabaw?
Sumisinghap-singhap sa karalitaan--
higit na biktima ng usong tusuhan.
bersongbarberodiskursosauso

prev 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 110 120 130 140 150 160 170 180 190 200 next