Sa alinmang larangan, ginagamit ang wika kasabay ng pagtanaw at pagninilay. Isang uri ito ng pagtahak na pamatnubay ang diwa ng karanasang pansarili at panlipunan.
Sa dami ng maaaring ipakahulugan sa "wastong pagkain" problema natin ang pagpasan sa mga lingkod ng bayang halal at appointed na may maling kaisipan dahil kulang sila sa mental nutrition.
Sobrang masalita kung magbalita ang broadcast media. Pag inedit ay pangalan lang ng tagapag-ulat ang matitira. Tila di sobrang pintas ito. Ang sakto ay binerdugo ng broadcast at print ang Filipinong "bukod." Nakakubabaw sa bangkay ng salitang iyan ang "maliban."
May consumers na ang tingin sa MWSS-Maynilad-Manila Water ay unholy trinity. Tipong pag-emphasize sa obvious. Tubig ang isyu natural na mababasa ang papel ng tatlo.