balagtas.org

balagtas.org

Saganang Akin - 3 IBON SA BAWAT PUTOK

3 IBON SA BAWAT PUTOK

Kamakailan (27 Abril 2015), malugod akong nabulabog sa pinamumugaran kong lalawigan nang sunduin ako ng Komisyon sa Wikang Filipino at isalang sa Tertulya sa Tula: Isang Hapon ng mga Makata ng Taon.

Kasama ko sa okasyong idinaos sa KWF sa Maynila sina Roger Mangahas at Jess Santiago na lumingon sa mga direksiyong panliteratura at kaligirang panlipunan noong mga dekada 60, 70 at 80.

Sa bawat tanong sa amin ng dumalong mga guro at estudyante, kinailangang medyo matipid at siksik ang tugon; 2 oras lamang ang dapat patayin ng tsismis na sabi'y isa nang propesyon.

Sa timpalak na Talaang Ginto sa Tula, tinanghal na Makata ng Taon 1969 si Roger, 1978 at 1979 si Jess, at 1980 ako.

Bukod sa tanong at sagot, tig-iisang tula namin ang binasa ng 3 taga-KWF.

Hindi ang mismong 'mga tula ng taon' ang binasa sa programang iyon. Nagsilbi sanang dagdag na paliwanag ang naturang mga piyesa hinggil sa kaakibat na tematikong tungkusan: ang pighating nagpaalab sa makata upang magbalikwas laban sa tiwaling kalagayang umiiral.

Mahihiwatigan ito sa mga pamagat: 'Dalit kay Sarhento Gameng' ni Roger, 'Sa Pagdalaw ng Pangungulila' at 'Nais Kong Likumin ang mga Alabok forces ang itaas.

Ano't anuman, baka ikinalugod naman ng mga kinauukulan ang 'tatlong ibon sa bawat putok' na ipinawari ng okasyon.
saganangakin

Mga Pabliser na Barat at Balasubas: Isang Sulyap

May nagsabing 2 uri ang publishers: BARAT at BALASUBAS.

Sa mahabang danas ko sa pagsulat, may yugtong di ko naligtasan ang pagbarat ng mga lathalaan para sa panitikang komersiyal, dahil iyon daw ang SOP.

Napansin ko noon, exempted sa baratan ang ilang kilalang awtor: malaki ang bayad sa pangalan kahit sampay-bakod ang akda.

Tungkol sa pamba-balasubas, di ko ito naengkwentro.

Malinaw, syempre: meron lang nabarat at nabalasubas matapos ang dyalogong writer-publisher (o sinumang alter-ego nitong huli).

Isang isyu sa pablising ang PAGPIRATA. Isasama ng lathalaan sa textbook o tradebook ang akda mo kahit wala kang permiso.

Ikaw na awtor ang kahuli-kahulihang makababatid, kung may kakilalang magsabing kasama ka pala sa librong nabasa nito.

Kakalampagin mo (dapat lang) ang KASA PERATA, aka lathalaan; pwede kasing ituring na adelantadong pagbalasubas ang gayong kawalang-pakundangan.

Mas iibigin, syempre, ng pabliser na lumitaw siyang KAGALANG-GALANG kaysa KAGULANG-GULANG. Gagawa ng kontratang hirit permit at barat bayad. Bale 'negasyon' ng balasubas.

Isang bagitong editor ang nagbayad agad sa akin ng cash para magamit niya ang isa kong tulang hango sa aking nalathalang librong HAGKIS NG TALAHIB, bago ako pumayag na ibilang iyon sa textbook ng lathalaan nila. Abono niya ang perang ibinayad!

Dahil bagito nga, medyo nagsiyasat pala siya tungkol sa patakaran ng lathalaan nang banggitin ko ang isyung barat-balasubas. "Bulok po pala ang sistema ng pabliser ko. Ayoko na pong muling mag-editor," aniya sa huling pagkausap sa akin.

Notasyon Sa Paglingon

NOTASYON SA PAGLINGON
(Makaraang Mailunsad ang New Edition ng Aking HAGKIS NG TALAHIB)

Sandekada halos, panakaw
ang sulyap ko
sa salaming pantay-tao.

Higit ito sa sapat, ngayong matulin
pala akong kinakain
ng pagkakaedad at problemang
sinisipat ng panulat.

Dahil ba iniwan
ang baras
na pawisang nagpatingkad
sa duwelo ng mortalidad at eternidad?

Akong simbigat ng lungsod bago
humalos sa dekada,
singgaanng patpat sa baryo,
ngayong iniimbita ng salamin:

Tumitig sa sariling uban at kulubot,
lumulansa larawang
buhat sa panulat,
saka magtayo ng sakdal-sinsing baras.

Bersong Barbero - BAKIT ISINARA MUNA ANG BARBERYA?

BAKIT ISINARA MUNA
ANG BARBERYA?


May katagalan ding
nanatiling basyo
ang diskarteng Gusting
sa pitak na ito.

Abalang-abala
ngayon sa translation,
kaya po two months na
siyang walang kolum.

Nobelang WAR AND PEACE
ang isinasalin:
sakdal-haba't siksik
sa anyo't diwain.

Mahalagang bagay
sa komunikasyon
ang pinakapakay
ng barbero ngayon.

Pero magsisikap
pa rin po si Gusting
maglaan ng oras
sa berso ng gunting.
bersongbarbero

Obra Muwestra - ABISO NG OFW

ABISO NG OFW

(Mula sa aking aklat ng tulang "Lingap sa Lumipas)

Nagbabalik ako,
abo:
umaasang kukuyumin mo,
bago muling ipagkatiwala
sa tubig, hangin at lupa
ang ating gunitang masilakbo.
obramuwestra

ISANG TANGHALING (NAG)TAPAT

ISANG TANGHALING (NAG)TAPAT

Lalang iyon
ng sariling imahinasyon:
pugot ang anino ko sa landas,
isang tanghaling tapat.

Hindi ako nagpapaalipin
sa pamahiin;
pulutan ko ito kung minsan
sa mahabang inuman.

Iyon ay kisap na pagpapagunita:
paurong kontra pasulong ang pagtanda.

Mas mabuting mapugot
ang kaninumang ulo
kaysa pamahayan ng lumot
o lumaking maulalo.

LIMERIKA (Para Kay Phoenix at Iba Pang Apo Ko)

LIMERIKA (Para kay Phoenix at iba pang apo ko)

Isang batang malusog na malikot kahit natutulog
ang sumakay sa buwan, kumalap ng ulap,
at mas masarap, naging alitaptap na pinakislot
ng bituin, pinalipad, pinagwisik ng kutitap
sa bukid, dagat at punong dayap ang batang malikot.

MULA SA ANLUGARBA Mga Tula

MULA SA ANLUGARBA

Mga Tula

Ni LAMBERTO E. ANTONIO


NILALAMAN

Paunang Salita
Ang May-Akda

Prologo

Apat na Taong Gulang nang Isilang
Bagong Taon sa Batalan
Kapa
Patumba-tumbang Preso
Oras ng Baras
Napakaganda, Napakahiwaga
Tubo sa Puhunan
Dito po sa Amin
Alahas at Rehas
Sa Gabi
Pulo-Pulong Papulong
Karatula at Iba Pa
Isang Pasyenteng Naghahanap ng Kaaway
Dibdib
Angkan sa Angkan
Ilaw na Marikit
Kidlat sa Tag-araw
Ang Abot ng Paglingon
Rutang Pangkagipitan
Mga Martir at mga Bangkay
Liham mula sa Anlugarba
Talino
Patungong San Roque
Mula sa Kinabulirang Katahimikan
Ang Bugtong ng Baston
Pagwawalay
Isang Pilas ng Kasariwaan
Kulto sa Krus-na-Daan
Nabalitaan Ko
Titig sa Tubig
Resignasyon
Ang Piging na Handog sa Amin
Tauhang Gumagapang Habang Tinatadyakan
Sulyap kay Halle Berry
Dayo sa Baryo Tokayo
Putol na Tulay
Balikbayan (1)
Balikbayan (2)
Kalabaw sa Hapag
Batang Lagi sa Pasigan
Ang Pastor Tang Nakadungaw
Mula sa Isang Kamusmusan
Bakanteng Lote, Gusgusing Lalaki
Mga Dagli
Ang Donante
Mulinig 11
Epitapyo
Ang Dalaga sa Loob
Tanghali sa Bakuran
Monologo ng Batugan
Saludo sa Inodoro
Sedentaryo
Libog
Nakagayak na Kariton
Tumangis man ang Babae
Arok Barok
Limang Patimbre ng Kostumbre
Dalawang Kostimbre
Liham kay Molly
Kabidahan
Pagsipat sa Pagsapit (1)
Pagsipat sa Pagsapit (2)
Gutom na Saknong
Gutom na Saknong pa
Gutom na Saknong pa rin
Bersong Botak: Polikulang Pelitika
Lukso
Biting Panayam
Iyang Relihiyon
Badha ng Baha
Tagpuan ng mga Tinig
Talaisipan (1)
Sila sa Dulo
Ako Naman sa Dulo?
Makasalanang Pamahayagan
Punggos
Iyak ng Bato, Bundok at Ibon
Peligrosong Halik
Mga Tanong na Paburyong
Gitgitan sa Botika
Talaisipan (2)
May Kangkungan pa Naman
Sa Kaarawan ng Makata
bookproject

PAGSAKAY SA ALON: Halina ng Translation

Taglay ng War ang Peace (WP) ni Leo Tolstoy ang kolektibong kronika ng mga tauhang walang kinikilalang hanggahan ang isinatinig na kaisipan at damdamin.

Tulad ng alinmang obrang klasiko, angkop sa lahat ng panahon ang nobelang ito ni Konde LT.

Maipalalagom sa maraming katangian ng WP ang ekspresyong "fair field, clean course" ng isang tauhan, sa malalimang paglilining.

Isinasalin ko sa Filipino ang WP at kailangan ang paglingon sa mga salimuot ng akda, at lalo na, ang pagdinig sa bawat kaukulang kahulugan nito.

Habang nagsasalin, nakasakay ako sa ALON. Matayutay at namumutiktik sa titis ng talinghaga ang akda.

Bukod sa ibang, naglayag sa ALliteration at ONomatopoeia ang bersiyon ng aking imahinasyon.

ANTAY TALAKAY Mga Sanaysay Sa Buhay at Panitikan

ANTAY TALAKAY

Mga Sanaysay sa Buhay at Panitikan

Ni LAMBERTO E. ANTONIO


NILALAMAN

Pasakalye sa Atake


I. LAHAD NG PALAD

Balikbaryo
Gregoria at Cristina
Ang Piso Natin Noon
Inuman sa Tabi-Tabi
Ang Ating Panibagong 365 Araw
Usapan sa Tore
Pangangasera
Paaralang Walang Silid
Retrato ng Pamilya at Iba pa
Karalitaan, Politika, Sambayanan
Oras ng Peligro: Paano Tayo?
Nakipagbitinan Ako sa Sexual Kung Fu
Basta Sugal
(Higit na) Para sa Gurang
Manehong Pinoy
BNPP, Privatization, Karta, Bigas, at Implasyon: Ilang Obserbasyon
Masakit Kahit Naghilom na
Huwes-puwes
Banta, Hula, Luha
Buwis at Bisyo
Gupit ng PNP
Mga Loko
Tangkilik sa Atleta
Pagbibilang ng Disgrasya
Karafat-dafat Magladlad
Ito ang Basahin Mo
Liham kay Kasparov
Kongreso: Mabunga, Mabunganga
Krimeng Karima-rimarim
Ang Maikling Daan ng Isang Alakdan
Dalawa Habang Nag-iisa


II. BADHA NG GITNA

Insiang: Isang Alaala
Patikim ng Tikoy
Karera ni Chaplin
Wating sa Dulo
Si Poe Laban sa Mundo
Ratratang Pampelikula
Ayon kay John Huston
Ang Pagpilas sa Pagkabirhen
Sineng Tumipak nang Maghasik ng Sindak
Palakpak sa Pagpalpak
Ang (Kina)katawan ni Mae West
Matalim na Gunting, Mapurol na Ulo
Kambal na ‘K’
Politika at Relihiyon sa Ama Namin
Makarinyong Panlalansi
Titanic: Malaking Kapahamakan ng Sining
Pista ni Celso Kid
Binubulok o Naglaho na
Abstraktong Manlilikha
Sulyap kay Bunuel
Kabit Mo, Kabit Ko
Imaheng Kukuti-kutitap
Zsa Nga
Charito Solis


III. PIGLAS NG PANULAT

Pabalat ng Aklat
Alamin sa Tingin
Ako sa Laberinto
Wika ng Damdamin
Pagsalubong sa Daluhong ng Isyu
Bakasin Mo sa Bakasyon
Pagsagip kay Bolivar
Ang Makata ng Puntablangko
Hanapbuhay Habang nasa Bahay
Tatlong Direksiyong Pampanulaan
Prinsesa at Gulok sa Aklatan
Pasipikong Panimdim
Mapanyanig na Panitik
Isang Siglo ng Pananampalataya
Panulaan at Kasaysayan
Droga at Terorismo
Baka Ibig Mong Pakulam
Sugat na ‘Magayon’
Ang Kapangyarihang Bihirang Gamitin
Dula sa Tining ng Paglilining
Malungkot na Paglalakbay
Mga Mukha ng Pag-ibig
Ulan sa Aking Hapag
Salitang Bawal Gamitin
Mga Gabi ng Guniguni
bookproject

prev 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 110 120 130 140 150 160 170 180 190 200 next