ISANG TANGHALING (NAG)TAPAT
Lalang iyon
ng sariling imahinasyon:
pugot ang anino ko sa landas,
isang tanghaling tapat.
Hindi ako nagpapaalipin
sa pamahiin;
pulutan ko ito kung minsan
sa mahabang inuman.
Iyon ay kisap na pagpapagunita:
paurong kontra pasulong ang pagtanda.
Mas mabuting mapugot
ang kaninumang ulo
kaysa pamahayan ng lumot
o lumaking maulalo.