3 IBON SA BAWAT PUTOK
Kamakailan (27 Abril 2015), malugod akong nabulabog sa pinamumugaran kong lalawigan nang sunduin ako ng Komisyon sa Wikang Filipino at isalang sa Tertulya sa Tula: Isang Hapon ng mga Makata ng Taon.
Kasama ko sa okasyong idinaos sa KWF sa Maynila sina Roger Mangahas at Jess Santiago na lumingon sa mga direksiyong panliteratura at kaligirang panlipunan noong mga dekada 60, 70 at 80.
Sa bawat tanong sa amin ng dumalong mga guro at estudyante, kinailangang medyo matipid at siksik ang tugon; 2 oras lamang ang dapat patayin ng tsismis na sabi'y isa nang propesyon.
Sa timpalak na Talaang Ginto sa Tula, tinanghal na Makata ng Taon 1969 si Roger, 1978 at 1979 si Jess, at 1980 ako.
Bukod sa tanong at sagot, tig-iisang tula namin ang binasa ng 3 taga-KWF.
Hindi ang mismong 'mga tula ng taon' ang binasa sa programang iyon. Nagsilbi sanang dagdag na paliwanag ang naturang mga piyesa hinggil sa kaakibat na tematikong tungkusan: ang pighating nagpaalab sa makata upang magbalikwas laban sa tiwaling kalagayang umiiral.
Mahihiwatigan ito sa mga pamagat: 'Dalit kay Sarhento Gameng' ni Roger, 'Sa Pagdalaw ng Pangungulila' at 'Nais Kong Likumin ang mga Alabok forces ang itaas.
Ano't anuman, baka ikinalugod naman ng mga kinauukulan ang 'tatlong ibon sa bawat putok' na ipinawari ng okasyon.
Saganang Akin - 3 IBON SA BAWAT PUTOK
Comments
Ez Khan, Dps
EEz Khan Dps
Monday, 29 February 2016, 12:23 AM
67 words, 20-second read
67 words, 20-second read
Sana ay magkaroon pa ng mga katulad ng ganito kung saan naiimbitahan na magbahagi ng mga ginintuang aral at karanasan mula sa mga premyadong makata ng ating bayan.
Salamat po at patnubayan kayo ng Panginoon.