balagtas.org

balagtas.org

Pangarap at Pananagutan

Buhat sa pangarap ang bawat layunin
na lagi at laging dapat puliduhin,
sapagkat totoong sa hasik na hangin
buhat din ang bagyo na takdang anihin.
banko

Bersong Barbero - PAGBABAGO

PAGBABAGO

Nangyayari ito at dapat asahang
kasama talaga sa takbo ng buhay,
ang hindi humabol para umagapay,
mahaba ang tulog tiyak sa kangkungan.
bersongbarbero

Tingin sa Tula

Bumibilang ang taludtod
ng sariling anyo't tibok:
naghihinga ng pantustos
sa pagsinta't pagkapoot.
banko

Bulaklak ng Dila

Higit na madaling langit ang abutin kaysa nasa tabing kalampasang-tingin.
banko

Iling at Kiling

Sobrang masalita kung magbalita ang broadcast media. Pag inedit ay pangalan lang ng tagapag-ulat ang matitira. Tila di sobrang pintas ito. Ang sakto ay binerdugo ng broadcast at print ang Filipinong "bukod." Nakakubabaw sa bangkay ng salitang iyan ang "maliban."
banko

Bersong Barbero - ISANG ABISO

ISANG ABISO

Hinahangad naming makapaglarawan ng gayo't ganitong diskarte sa buhay, gaya ng pagbilang sa sisiw-sisiwan kahit di pa pisa ang itlug-itlugan.
bersongbarbero

Tungkol sa Bagyo

Taon-taon, di kukulangin sa 20 bagyo ang paani sa atin ng kalikasan. Malungkot, dahil napakasipag nating maghasik ng sari-sariling hangin.
banko

Too Big Daw Na Tabo Sa Tubig

May consumers na ang tingin sa MWSS-Maynilad-Manila Water ay unholy trinity. Tipong pag-emphasize sa obvious. Tubig ang isyu natural na mababasa ang papel ng tatlo.
banko

Pahati Sa Dalamhati

Sakit ang pagtanda: taglay ng sinuman mulang pagsilang. Ito ang naisaloob ng isang baog na nakibertdey sa kapitbahay.
banko

Pagkawala ng Delikadesa

Ayon sa isang "taliba ng moralidad," maibabalik ang delikadesa kung palalakarin para maghanap ang suhol.
banko

home 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 110 120 130 140 150 160 170 180 190 200 next