Bersong Barbero - POPULASYONG SA PAGLOBO AY SIMBILIS NG KUNEHO
POPULASYONG SA PAGLOBO AY SIMBILIS NG KUNEHO
Paksa hanggang ngayon ng mga suki ko yaong bumisitang vicario ni Kristo; tampok sa iniwan niPope Francis dito ang pananalita tungkol sa kuneho.
Hindi kailangang matulad sa rabbit (na sa puntong breeding ay sadyang prolific) ang mga magulang, winika ng Pontiff. Baka sa parenthood ay makabalakid.
Dahil sa kuneho ay nabanggit tuloy ang ulat na lampas sa sandaang milyon ang paglobo nitong ating populasyon: matuling paglaking dapat ure ko.
Ikinabit bilang paksa ang kuneho sa umano'y survey na isang porsyento ng world's population ang may monopolyo sa yaman ng buong daigdigdin mismo.
Siyamnapu't siyam na porsyento naman, ngayong 2015, ang bale miron lang: Asensong matulin ng mangilan-ngilan habang usad-pagong ang batugan o tamad.
Ang tao ay hindi kailanman lubos na lalaki o babae; walang kalalakihan, walang kababaihan, meron lang mayoryang sexual.
Ang isang lalaking di nagkikimkim ng pagkababae ay napakadaling dayain at patulugin ng imahinasyon niya o pag-aakalang nakahihigit siya sa isang kabalyero.
Ang isang babaing walang katiting mang tanda ng makalangit na kawalang-malay, na panlalaki, ay napakarealista para sa malalawak na paghahakang nagmumula sa kapusuran ng tinatawag nating henyo.
(Hango sa librong "DOBLE TRES, DOBLE UNO: 33 Sanaysay sa Pamilya at Lipunang Filipino" ni LAMBERTO E. ANTONIO)
Kamakailan (27 Abril 2015), malugod akong nabulabog sa pinamumugaran kong lalawigan nang sunduin ako ng Komisyon sa Wikang Filipino at isalang sa Tertulya sa Tula: Isang Hapon ng mga Makata ng Taon.
Kasama ko sa okasyong idinaos sa KWF sa Maynila sina Roger Mangahas at Jess Santiago na lumingon sa mga direksiyong panliteratura at kaligirang panlipunan noong mga dekada 60, 70 at 80.
Sa bawat tanong sa amin ng dumalong mga guro at estudyante, kinailangang medyo matipid at siksik ang tugon; 2 oras lamang ang dapat patayin ng tsismis na sabi'y isa nang propesyon.
Sa timpalak na Talaang Ginto sa Tula, tinanghal na Makata ng Taon 1969 si Roger, 1978 at 1979 si Jess, at 1980 ako.
Bukod sa tanong at sagot, tig-iisang tula namin ang binasa ng 3 taga-KWF.
Hindi ang mismong 'mga tula ng taon' ang binasa sa programang iyon. Nagsilbi sanang dagdag na paliwanag ang naturang mga piyesa hinggil sa kaakibat na tematikong tungkusan: ang pighating nagpaalab sa makata upang magbalikwas laban sa tiwaling kalagayang umiiral.
Mahihiwatigan ito sa mga pamagat: 'Dalit kay Sarhento Gameng' ni Roger, 'Sa Pagdalaw ng Pangungulila' at 'Nais Kong Likumin ang mga Alabok forces ang itaas.
Ano't anuman, baka ikinalugod naman ng mga kinauukulan ang 'tatlong ibon sa bawat putok' na ipinawari ng okasyon.
May nagsabing 2 uri ang publishers: BARAT at BALASUBAS.
Sa mahabang danas ko sa pagsulat, may yugtong di ko naligtasan ang pagbarat ng mga lathalaan para sa panitikang komersiyal, dahil iyon daw ang SOP.
Napansin ko noon, exempted sa baratan ang ilang kilalang awtor: malaki ang bayad sa pangalan kahit sampay-bakod ang akda.
Tungkol sa pamba-balasubas, di ko ito naengkwentro.
Malinaw, syempre: meron lang nabarat at nabalasubas matapos ang dyalogong writer-publisher (o sinumang alter-ego nitong huli).
Isang isyu sa pablising ang PAGPIRATA. Isasama ng lathalaan sa textbook o tradebook ang akda mo kahit wala kang permiso.
Ikaw na awtor ang kahuli-kahulihang makababatid, kung may kakilalang magsabing kasama ka pala sa librong nabasa nito.
Kakalampagin mo (dapat lang) ang KASA PERATA, aka lathalaan; pwede kasing ituring na adelantadong pagbalasubas ang gayong kawalang-pakundangan.
Mas iibigin, syempre, ng pabliser na lumitaw siyang KAGALANG-GALANG kaysa KAGULANG-GULANG. Gagawa ng kontratang hirit permit at barat bayad. Bale 'negasyon' ng balasubas.
Isang bagitong editor ang nagbayad agad sa akin ng cash para magamit niya ang isa kong tulang hango sa aking nalathalang librong HAGKIS NG TALAHIB, bago ako pumayag na ibilang iyon sa textbook ng lathalaan nila. Abono niya ang perang ibinayad!
Dahil bagito nga, medyo nagsiyasat pala siya tungkol sa patakaran ng lathalaan nang banggitin ko ang isyung barat-balasubas. "Bulok po pala ang sistema ng pabliser ko. Ayoko na pong muling mag-editor," aniya sa huling pagkausap sa akin.
Notasyon Sa Paglingon
NOTASYON SA PAGLINGON (Makaraang Mailunsad ang New Edition ng Aking HAGKIS NG TALAHIB)
Sandekada halos, panakaw ang sulyap ko sa salaming pantay-tao.
Higit ito sa sapat, ngayong matulin pala akong kinakain ng pagkakaedad at problemang sinisipat ng panulat.
Dahil ba iniwan ang baras na pawisang nagpatingkad sa duwelo ng mortalidad at eternidad?
Akong simbigat ng lungsod bago humalos sa dekada, singgaanng patpat sa baryo, ngayong iniimbita ng salamin:
Tumitig sa sariling uban at kulubot, lumulansa larawang buhat sa panulat, saka magtayo ng sakdal-sinsing baras.
Bersong Barbero - BAKIT ISINARA MUNA ANG BARBERYA?
BAKIT ISINARA MUNA ANG BARBERYA?
May katagalan ding nanatiling basyo ang diskarteng Gusting sa pitak na ito.
Abalang-abala ngayon sa translation, kaya po two months na siyang walang kolum.
Nobelang WAR AND PEACE ang isinasalin: sakdal-haba't siksik sa anyo't diwain.
Mahalagang bagay sa komunikasyon ang pinakapakay ng barbero ngayon.
Pero magsisikap pa rin po si Gusting maglaan ng oras sa berso ng gunting.
Lalang iyon ng sariling imahinasyon: pugot ang anino ko sa landas, isang tanghaling tapat.
Hindi ako nagpapaalipin sa pamahiin; pulutan ko ito kung minsan sa mahabang inuman.
Iyon ay kisap na pagpapagunita: paurong kontra pasulong ang pagtanda.
Mas mabuting mapugot ang kaninumang ulo kaysa pamahayan ng lumot o lumaking maulalo.
LIMERIKA (Para Kay Phoenix at Iba Pang Apo Ko)
LIMERIKA (Para kay Phoenix at iba pang apo ko)
Isang batang malusog na malikot kahit natutulog ang sumakay sa buwan, kumalap ng ulap, at mas masarap, naging alitaptap na pinakislot ng bituin, pinalipad, pinagwisik ng kutitap sa bukid, dagat at punong dayap ang batang malikot.
MULA SA ANLUGARBA Mga Tula
MULA SA ANLUGARBA
Mga Tula
Ni LAMBERTO E. ANTONIO
NILALAMAN
Paunang Salita Ang May-Akda
Prologo
Apat na Taong Gulang nang Isilang Bagong Taon sa Batalan Kapa Patumba-tumbang Preso Oras ng Baras Napakaganda, Napakahiwaga Tubo sa Puhunan Dito po sa Amin Alahas at Rehas Sa Gabi Pulo-Pulong Papulong Karatula at Iba Pa Isang Pasyenteng Naghahanap ng Kaaway Dibdib Angkan sa Angkan Ilaw na Marikit Kidlat sa Tag-araw Ang Abot ng Paglingon Rutang Pangkagipitan Mga Martir at mga Bangkay Liham mula sa Anlugarba Talino Patungong San Roque Mula sa Kinabulirang Katahimikan Ang Bugtong ng Baston Pagwawalay Isang Pilas ng Kasariwaan Kulto sa Krus-na-Daan Nabalitaan Ko Titig sa Tubig Resignasyon Ang Piging na Handog sa Amin Tauhang Gumagapang Habang Tinatadyakan Sulyap kay Halle Berry Dayo sa Baryo Tokayo Putol na Tulay Balikbayan (1) Balikbayan (2) Kalabaw sa Hapag Batang Lagi sa Pasigan Ang Pastor Tang Nakadungaw Mula sa Isang Kamusmusan Bakanteng Lote, Gusgusing Lalaki Mga Dagli Ang Donante Mulinig 11 Epitapyo Ang Dalaga sa Loob Tanghali sa Bakuran Monologo ng Batugan Saludo sa Inodoro Sedentaryo Libog Nakagayak na Kariton Tumangis man ang Babae Arok Barok Limang Patimbre ng Kostumbre Dalawang Kostimbre Liham kay Molly Kabidahan Pagsipat sa Pagsapit (1) Pagsipat sa Pagsapit (2) Gutom na Saknong Gutom na Saknong pa Gutom na Saknong pa rin Bersong Botak: Polikulang Pelitika Lukso Biting Panayam Iyang Relihiyon Badha ng Baha Tagpuan ng mga Tinig Talaisipan (1) Sila sa Dulo Ako Naman sa Dulo? Makasalanang Pamahayagan Punggos Iyak ng Bato, Bundok at Ibon Peligrosong Halik Mga Tanong na Paburyong Gitgitan sa Botika Talaisipan (2) May Kangkungan pa Naman Sa Kaarawan ng Makata