balagtas.org

balagtas.org

TURNO KONG NOKTURNO 50 Tula Ng Magdamag

TURNO KONG NOKTURNO
50 Tula ng Magdamag

Ni LAMBERTO E. ANTONIO


NILALAMAN

Prologo: Magdamag ng Isang Hapag
Mga Dahong Nakatiklop
Berso sa Unang Piyesang Nokturno
Hatinggabi ng Tatlong Bata
Ang Mutyang Umawit
Rondel sa Bakurang Madilim
Kalungkutan ng Sampares na Sapatos
Responso
Aninong Makilos
Dama de Noche
Berso 2269
Pagnanasa
Panambitan
Gabi ang Nagturong Dapat Kang Yakapin
Walong Tulang Patay-Sindi
Tilaok sa Tipanan
Tatlong Tanaga
Pinaiidlip Akong may Palito sa Bibig
Tumana sa Tabi ng Ilog
Isang Pagtitipon
Tanod
Siyudad ng Burak
9:00 P.M.Natin sa Taichung
Gabi ng Isang Piyon
Ang Panahong Ginugunita Ko
Hapunan sa Bangketa
Limerika
Lulay ng Tatay
Kalaro
Walong Patay na Panauhin
Lihim na Lamay
Talata sa Gabi-Gabing Pamimintana
Tatlong Tulang Pampaantok Marahil
Subyang
Oras ng Ulan
Bangka o Bola man ang Kahugis ng Buwan
Sa Gabi ng Pagkikita
Kasayaw
Ilang Gabing Ako ang Alinman Dito
Dito sa Entablado
Mga Miron sa Ginabing Rally
Lamay sa Linang
Hain sa Magdamag
Limang Minuto Bago Mag-2011
Paghahambing na Ikinahihimbing
Himas sa Tandang
Pagsapit ng Oras ng mga Kuliglig
Lamay sa Patay
May Isang Alitaptap
Saknong sa Pag-amoy ng Patibong
Antok
published

Wika

Sa alinmang larangan, ginagamit ang wika kasabay ng pagtanaw at pagninilay. Isang uri ito ng pagtahak na pamatnubay ang diwa ng karanasang pansarili at panlipunan.
banko

Bersong Barbero - ALIMUOM

Mula ito sa pabersong kolum ni Gusting Gunting. Regular na pitak dito.

ALIMUOM

Iyang alimuom kung ibig masagap
kaibiganin mo nang husto ang kabag,
pigilin ang utot habang may kausap
kung bulok ang amoy dahil lalaganap.
bersongbarbero

Intro

Talastasan tayo. Lumikha ng dagdag na tulay. Ok dito pataasan ng ihi. Huwag lang pataasan ng pader.
banko

Talaisipan 1

Kaysa ipasipat sa iba ang guhit ng sariling palad, itanong mo mismo sa kamay mo ang iyong kapalaran.
talaisipan

Buwan ng Nutrisyon

Sa dami ng maaaring ipakahulugan sa "wastong pagkain" problema natin ang pagpasan sa mga lingkod ng bayang halal at appointed na may maling kaisipan dahil kulang sila sa mental nutrition.
banko

Talaisipan 2

Ano kung matinik nang malalim sa paglakad na matulin at lubugan ng araw sa paglakad na mabagal? Mas kapuri-puri iyan kaysa mamalaging nakagayak habambuhay.
talaisipan

Pangarap at Pananagutan

Buhat sa pangarap ang bawat layunin
na lagi at laging dapat puliduhin,
sapagkat totoong sa hasik na hangin
buhat din ang bagyo na takdang anihin.
banko

Bersong Barbero - PAGBABAGO

PAGBABAGO

Nangyayari ito at dapat asahang
kasama talaga sa takbo ng buhay,
ang hindi humabol para umagapay,
mahaba ang tulog tiyak sa kangkungan.
bersongbarbero

Tingin sa Tula

Bumibilang ang taludtod
ng sariling anyo't tibok:
naghihinga ng pantustos
sa pagsinta't pagkapoot.
banko

10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 110 120 130 140 150 160 170 180 190 200 210 next