balagtas.org

balagtas.org

ABISO Sanaysay at Kuwento

ABISO

Sanaysay at Kuwento

Ni LAMBERTO E. ANTONIO


NILALAMAN


SANAYSAY

Sa Pihit ng Pangyayari
Ang Walang Kamatayan sa Araw ng mga Patay
Politika, Kapangyarihan at Sambayanan
Ang Panibagong 365 Araw sa Ating Buhay
Baka Makasilat sa Sugal
Pasyon sa Pastulan
Sulyap sa ‘Loob’
Balikbaryo
Karugtong ng Bugtong
Kotong
Amnesty
Ang Hatak ng Siyudad
‘Sako-Sakong’ Dila


KUWENTO

Panauhing Pandangal
Sukob sa Taon
Hiram na Banig
Liham ng Lasing
Bangungot
Malamig na Gabi, Mainit na Kape
Ang Saklaw ng Paglingap
Molly
Bisperas ng Binyag
Pepe at Pilar
Si Suong
Imbentaryo
bookproject

Opisyal Na Email Address

Para sa mga nais makipag-ugnayan, maaari ninyo akong kontakin sa lamberto@antonio.one, ang aking opisyal at tanging email address.

Mag-ingat sa mga hindi awtorisadong email address mula sa mga nagkukunwaring ako upang humingi ng pera o pabor, o magsagawa ng transaksyon gamit ang aking pangalan. Mangyaring ipasa ang mga email na ito sa akin upang sila ay mapanagot sa ilalim ng batas.

Siyasat Sa Panulat: Prologo Sa Pagberso

Siyasat sa Panulat: Prologo sa Pagberso

Paano mo ikalulugod
Ang aking taludtod
Na badha ng kakayahang makalikha
Ng tulad kong kinipil na alabok?

Anong tinig
Itong nagpapaulinig
Na kabilang ang panitik
Sa mga hulog ng langit?

Agwat Pangkat

Social distancing? Pwedeng version ang 'maagwating paghalubilo' o 'pagsalimuhang may agwat.' Ok din ang medyo slang na 'de-metrong pakikitungo.' Hirit na more creative parallel ng social distancing ang 'agwat pangkat.' Populist sa mood and tone, madaling tandaan, saka it invites intellectual curiosity. May rima at rason, wika nga.

Ika-75 Kaarawan sa Panahon ng COVID

Siglakas na nilustay
sa buhay na bulagsak,
natipong karanasang
pataw sa aking edad.

Gayak at lakad ngayong
may pundar akong tungkod,
nagmimistulang bugtong
na mailap ang sagot.

Lugod na lang isiping
akong pitumpu't lima,
nagkukusang bilangin
ang nalagas na hibla

Ng buhok kong nasampid
sa buhay ng may buhay--
pitumpu't limang pintig
ng tulang nawawaan.

Pagpupugay Sa Dakilang Makata Lamberto E. Antonio (Nobyembre 9 1946 Hulyo 6 2024)

Si Lamberto E. Antonio ay isang pangunahing modernistang makata ng panitikang Filipino. Kasama sina Virgilio S. Almario at Rogelio G. Mangahas, itinuring silang “tungkong kalan” ng makabagong panulaan. Pinangunahan nila ang mga eksperimentasyong simbolista at suryalista noong dekada 60, nag-ambag sa paghubog ng panitikang Filipino, at naging tinig para sa mga magsasaka at manggagawang Pilipino.

Tubong Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija, ang karanasan ni Antonio sa kanyang nayon ang naging pangunahing inspirasyon ng kanyang mga tula, na nagpakita ng mga pananaw na may pagka-materyalista at nagbigay-tinig sa mga “nangungulilang probinsiyano.”

Nagsulat siya ng mahigit sampung aklat ng tula, sanaysay, at maikling kwento. Kasama sa kanyang tanyag na mga akda ang Hagkis ng Talahib (1980), Pagsalubong sa Habagat (1986), Bakasyon sa Paraiso (1992), at Pingkian (1997). Siya rin ang kasama ni Mario O’Hara sa pagsulat ng pelikulang Insiang (1976), na naging unang pelikulang Pilipino sa Cannes Film Festival.

Masugid ding tagasalin si Antonio ng mga klasiko, kabilang ang Digmaan at Kapayapaan ni Leo Tolstoy, na ginawaran ng National Book Award noong 2018. Pinarangalan siya ng National Book Award para sa Pingkian noong 1997, Gintong Aklat Award noong 1998, at Palanca Hall of Fame noong 2021.

Ang kanyang mga aklat na Mga Sulat: 25 Kuwento ng Paglingap (2021) at Turno Kong Nokturno (2023) ay ilan sa kanyang huling pamana, nagsisilbing inspirasyon at gabay para sa susunod na salinlahi ng mga manunulat.

prev 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 110 120 130 140 150 160 170 180 190 200 210 home