balagtas.org

balagtas.org

Ika-75 Kaarawan sa Panahon ng COVID

Siglakas na nilustay
sa buhay na bulagsak,
natipong karanasang
pataw sa aking edad.

Gayak at lakad ngayong
may pundar akong tungkod,
nagmimistulang bugtong
na mailap ang sagot.

Lugod na lang isiping
akong pitumpu't lima,
nagkukusang bilangin
ang nalagas na hibla

Ng buhok kong nasampid
sa buhay ng may buhay--
pitumpu't limang pintig
ng tulang nawawaan.