Sa dami ng maaaring ipakahulugan sa "wastong pagkain" problema natin ang pagpasan sa mga lingkod ng bayang halal at appointed na may maling kaisipan dahil kulang sila sa mental nutrition.
Ano kung matinik nang malalim sa paglakad na matulin at lubugan ng araw sa paglakad na mabagal? Mas kapuri-puri iyan kaysa mamalaging nakagayak habambuhay.
Sobrang masalita kung magbalita ang broadcast media. Pag inedit ay pangalan lang ng tagapag-ulat ang matitira. Tila di sobrang pintas ito. Ang sakto ay binerdugo ng broadcast at print ang Filipinong "bukod." Nakakubabaw sa bangkay ng salitang iyan ang "maliban."