MUNDONG NAKAPAGITAN SA TINGIN AT TITIG
Ayon sa kasabihan, iba ang tinitingnan kaysa tinititigan.
Gaano kalaki o kaliit ang kaibahan? Depende sa abot-alam. Isang payo: tingnan at titigan ang realidad at katotohanan.
May realidad na produkto ng pagbaluktot sa truth. Ang katotohanan, ayon sa isang pilosopo, ay concrete analysis ng kondisyong concrete.
Oks kayang ilantad ang half-truth? Delikado. Baka bintangang sadista. Pambibiting patiwarik sa balag ng alanganin.
Ayon uli sa kasabihan, may pagbabago ang lahat, except sa (salitang) pagbabago mismo.
Mainam siguro, konsultahin lagi ang experience. Malaon at madali, liltaw kung gamundo o gahibla ng buhok ang pagkakaiba ng tingin sa titig.
Gamitin ang mata ng alaala, kahit ang gagamit ay may utak-pulbura, utak-talangka o isip-ipis.