KATAS NG 'BATO'
Hindi "kidney" ang "bato" natin dito. Pero pwedeng ikonek sa sakiting Bato Gang, nilarong patutsada sa mga "batugan" o tamad.
Konsiderasyong idiomatic ang kakatasan natin ng kahulugan. Heto ang ilang patak.
'Taga sa bato'--isaisip habambuhay. 'Tisuring bato'--api-apihan, hinahamak lagi.
'Bato sa baboy'--mapanira. 'Bato sa manok'--kumakabig pero ayaw magtulak, humihingi hindi mahihing(i)an o sakim.