BINALASANG SALITA
Laro sa salita ang isang paraan ng pagsubok sa kaalamang pangwika.
Sa naritong erotikong tulang "Kay Ana Grema", agad makikita sa titulong ito ang diskarteng anagramatiko.
"Sabik ako sa bikas mo
na likha ng iyong halik:
panakaw man ay pakanaw,
nagdumila, nagdumali.
"Kung ibinit ang balak ko,
ibitin mo kaya muli?
Sa pagtukso ay pagtusok
ang sagot na tagos dapat".
Tukuyin ang pitong salitang idinaan ng makata sa sistemang anagram.