LUKSO NG DUGO
Itinatakda ng lukso ng dugo ang pagkilala sa political dynasty (PD), mula pambarangay hanggang pambansang saklaw.
Habang nakaupo sa puwesto ang lahi ng mga hari, iginagayak nila sa pagtakbo ang magiging anak at apo.
Balatong barya sa di-kadugo ang pagkahalal; baka gayahin nito ang lahing may buo-buong resources na puhunan sa halos habampanahong paghahari.
Suma total? Bagong pangalan, dating kalagayan, anang cynics.
Kaya raw pag-asa laban sa pag-asa ang pagbuwag sa kaharian.