PAANO TUMANAW NG UTANG NA LOOB? LEONG DE-PUSTISO BAHALANG SUMAGOT
Isa pong dentistang mahusay si Andro.
Minsan ay bumagtas siya sa disyerto,
natagpua'y leong nawindang ang ngipin
nang isang kung sino'y tinangkang lamunin.
Naawa si Andro kung kaya bumuo
siya agad-agad ng pustisong ginto.
Eksakto ang sipat gayundin ang sukat,
sa bibig ng leon ay lapat na lapat.
Paglipas ng ilang taon, ineksibit po
sa Roman circus ang Kristiyanong dentist
bago ibalato sa kawan ng hayop
na pawang mabangis, gutom sa paglusob.
Lumabas ang isang leon sa kulungan
saka nakanganga, Andro'y nilapitan;
natiyak na gawa niya ang pustiso,
nakilalanaman ng hayop si Andro.
Paghimod sa paa ni Andro ng leon,
ito sa sarili ay biglang nagtanong,
"Anobang paraan ang pinakatampok
bilang pagtanaw ko ng utang na loob?"
Naisip: "A, siyang sa aki'y nagligtas
ay karapat-dapat bigyang publisidad."
Ilang sagpang lamang, inubos si Andro
ng leon sa tulong ng gintong pustiso.